Archive

Posts Tagged ‘takda’

TAKDA para sa ika-21 ng Pebrero

February 18th, 2011 No comments

From:http://listpics.co.tv/photo/homework-clipart

Maghanap ng iba’t ibang uri ng tayutay (figures of speech) sa tula na in-assign sa inyo at maghanda sa talakayan sa lunes.

TANIKALANG GINTO HOMEWORK

February 1st, 2011 No comments


Takda sa Filipino 4 para sa Huwebes, ika -3 ng Pebrero
1.Gumawa ng concept map o family tree upang ipakita ang mga relasyon ng mga sumusunod na tauhan sa dulang Tanikalang Guinto:
Liwanag, K’Ulayaw, Ma-Imbot, Dalita, NagTapon, Kalolowa. Ano ang sinisimbulo ng bawat isa?
2.Tungkol saan ang dulang Tanikalang Ginto? Bakit ayaw itong ipatanghal ng mga Amerikano?
3.Saan galing ang tanikalang ginto? Para kanino ito?
4. Ano ang nangyari nang biglang nagbago ang isip ni Liwanag?
5. Ano ang nagyari kina Nagtapon at K’ulayaw? Ano ang payo ni Dalita/Kalolowa?

TAKDA sa PANITIKAN para sa Huwebes, ika-16 ng Setyembre

September 15th, 2010 1 comment

www.clipartguide.com

1. Basahin ang handout tungkol kay Tomas Pinpin at gaya ng sinimulan sa klase, i-highlight ang mga sinaunang salita at ibigay ang katumbas sa Filipino. (Hal: ouica= wika)
2. Pagkatapos, isulat sa modernong wikang Filipino ang katumbas ng excerpt. (Try to give an approximate translation or gist of the excerpt)
3. Basahin ang Urbana at Felisa excerpt. Maglista ng mga kagandahang asal na isinasaad dito.(Min: 2)
4. Maghanda sa pagtatalakay sa klase.
Kung maaari ay isulat nang malinaw at malinis sa mismong papel.