Archive

Posts Tagged ‘panitikang pilipino’

Si Liwayway Arceo at ang akdang “Uhaw ang Tigang na Lupa”

April 26th, 2011 No comments

From blogspot.com

goodreads.com


Bigyan naman natin ng pansin ang akda ni Liwayway Arceo sa kanyang walang kupas na obrang “Uhaw ang Tigang na Lupa.”Ang maikling kuwentong ito ay nagkamit ng Pangalawang Gantimpala bilang Pinakamabuting Maikling Katha noong 1943.
Ayon sa WikiFilipino, si Gng. Arceo ay isa sa mga pinakamalikhaing mangangatha [most prolific writer] sa wikang Tagalog/ Filipino na nakasulat ng mga 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino. Dagdag pa nila na binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng halagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Pilipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani [dominance] ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno. Tunay na kahanga-hanga, tunay na Pilipino!

Para mabasa ang akdang ito, i-click lamang ang link dito. Tandaan na tatalakayin natin ito sa klase.
FILIPINO 4 PAGTATALAKAY SA UHAW ANG TIGANG NA LUPA

PANITIKAN SA PANAHON NG KAMULATAN

January 12th, 2011 No comments

www.blogspot.com

Sa pagtatalakay ng Panitikang Filipino sa Panahon ng Kamulatan, matatapos na rin natin ang ikatlong bahagi ng panitikan sa panahon ng mga Kastila. Gaya nang tinalakay sa klase, ang panahong ito ay may temang kakaiba ng pag-ibig. Kung noong panahon ng mga katutubo ay tungkol sa pag-ibig sa buhay at mundo, at noong simula ng panahon ng mga Kastila ay pag-ibig sa Diyos, sa panahong ito, ang tema ng pag-ibig ay tungkol sa pag-ibig sa bayan at sa kalayaan.
Tatapusin natin ang pagbabasa ng mga akda nina Andres Bonifacio, ang Utak ng Katipunan at Apolinario Mabini, ang Utak ng Rebolusyon. Paghahambingin natin ang dalawa sa Kartilya ni Emilio Jacinto pati na sa Sampung Utos ni Graciano Lopez-Jaena upang mabatid ang mga kahalagahang nais ipabatid sa taong bayan.
Heto ang link para sa apat na akda:

FILIPINO 4 MGA DEKALOGO