Archive
FILIPINO ONLY WEEK
Naks, nabuhayan kayo ng loob , ano?
Pakinggan na rin natin si Apl.DiAp ng Black-eyed Peas para ganahan kayo. Naiintindihan niyo ba ang inaawit ni Apl?O, ano pa ang ginagawa niyo? Eh, di, magsi-praktis na! (-:

Si Liwayway Arceo at ang akdang “Uhaw ang Tigang na Lupa”
Bigyan naman natin ng pansin ang akda ni Liwayway Arceo sa kanyang walang kupas na obrang “Uhaw ang Tigang na Lupa.”Ang maikling kuwentong ito ay nagkamit ng Pangalawang Gantimpala bilang Pinakamabuting Maikling Katha noong 1943.
Ayon sa WikiFilipino, si Gng. Arceo ay isa sa mga pinakamalikhaing mangangatha [most prolific writer] sa wikang Tagalog/ Filipino na nakasulat ng mga 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino. Dagdag pa nila na binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng halagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Pilipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani [dominance] ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno. Tunay na kahanga-hanga, tunay na Pilipino!
Para mabasa ang akdang ito, i-click lamang ang link dito. Tandaan na tatalakayin natin ito sa klase.
FILIPINO 4 PAGTATALAKAY SA UHAW ANG TIGANG NA LUPA
JOSE ABAD SANTOS: ANG MAGUINOONG BAYANI
>
Sa pagbibigay -pugay sa mga bayani ng ating lahi, basahin natin ang inilathala tungkol sa pinaka-batikang punong hukom ng bansa.
ANG FILIPINAS SA IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Talagang napakapalad nating mga kabataang hindi nabahiran kailanman ng mga pangitain ng digmaan. Ngunit paano natin mauunawaang lubos ang paghihirap ng mga ninuno nating nagsipag-alay ng kanilang mga buhay makamit lang natin ang kapayapaang tinatamasa sa kasalukuyan ngayong lingid sa ating kaalaman ang mga tunay na lagim at pasakit na idinulot nito sa ating bayan? Kailangan nating magbalik-tanaw, magsipag-basa at magtanong sa mga nakaranas ng madilim na yugtong ito. Kailangan nating sariwain, bagkus sa kaligtasan ng ating mga pamamahay at paaralan ang mga pangyayaring ito upang di makalimot at tuwina’y magpasalamat–at itanong sa ating mga sarili kung paano natin bubuhayin ang diwa ng pagkabayani sa panahong kasalukuyan.
Sa ating pagbalik-tanaw sa mga bayani ng Death March noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hinahamon ko kayong magbasa at magtanong. Magsaliksik ng 5 video ukol sa paksang ito o at kumalap ng mga kwento tungkol sa madilim na bahaging ito ng ating kasaysayan at maghandang makipag-talakayan sa klase sa susunod na linggo.
MAIKLING KWENTO exercise
Para sa ating mas mabuting talakayan sa mga maikling kwento na sinulat sa wikang ingles, nandito ang kopya ng Dead Stars ni Paz Marquez Benitez at ang pagsasanay na kasama nito. Sa lunes pagkatapos ng Spring Break natin tatalakayin.
TAKDA para sa ika-21 ng Pebrero
ANAK DALITA AT ISANG DIPANG LANGIT homework
TANIKALANG GINTO HOMEWORK

Takda sa Filipino 4 para sa Huwebes, ika -3 ng Pebrero
1.Gumawa ng concept map o family tree upang ipakita ang mga relasyon ng mga sumusunod na tauhan sa dulang Tanikalang Guinto:
Liwanag, K’Ulayaw, Ma-Imbot, Dalita, NagTapon, Kalolowa. Ano ang sinisimbulo ng bawat isa?
2.Tungkol saan ang dulang Tanikalang Ginto? Bakit ayaw itong ipatanghal ng mga Amerikano?
3.Saan galing ang tanikalang ginto? Para kanino ito?
4. Ano ang nangyari nang biglang nagbago ang isip ni Liwanag?
5. Ano ang nagyari kina Nagtapon at K’ulayaw? Ano ang payo ni Dalita/Kalolowa?
GO BEARCATS!!
This week is IASAS Week and our athletes are off to compete in various sports here in school as well as abroad. As we send them off today, let’s wish them GOOD LUCK! So to all our competing athletes especially our very own Christian, Daniel, David, Grace and Toni, GOOD LUCK and Have fun!! GO BEARCATS!! Yoo Hoo! Make us proud!!







